//

all these thoughts are never resting.

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting
\\pic peek//

Photobucket
ALMG at the TD xmas party. dec 19 2008. sayang nde yan buong almg

\\words na related or gusto kong irelate sa sarili ko//
- danielle caparros reyes . daine . karbodaine . karbodailnoril . kidaine . denyel . danyela . teh deyn .
- drizzle . strwbry . tinkerbeLL . bLossom . ditch . macky . ayscreem .
- upd . bsmath . m11 . 03-04898 . | ess . 00-0132 . limno . christo . genea . morpho .
- blue . pink . white . | eat . sleep .
- atypical . touchy . perky . guarded . complicated . enchanted . | carefree . fatalistic . expectant . | clashed . inconsistent . | rainy . comedy . night . vanilla . orange . sunset . sneakers . right . salty . cold . pepsi . today . pandas . mind .

\\and they say...//
learn how to die and you'll learn how to live. -tuesdays with morrie
anyone who has lost something they thought was theirs forever finally comes to realize that nothing really belongs to them. -eleven minutes
falling in love challenges the reality to which we lay claim, part of the pleasure of love and part of its terror, is the world turned upside down. -sa isang reading sa artstud.hehe

\\mga hilig na gawin sa mundo//
- kumain.matulog.manood ng tv.makinig ng mp3.magbasa pero depende sa libro.dumaldal minsan
- magswimming.talunin ang kapatid ko sa badminton.magdance mania(pero hindi ko na nagagawa recently and i'm no good at it).magPC/PS

\\mga inaasam ko//
sympre ultimately maging successful at magkaroon ng sariling family someday.pero i also have specific dreams be it simple or wild.e.g.:
-makapuntang disneyland,magkaroon ng front seat tickets sa game ng kings or pwede na rin kahit anong nba game basta maganda,magkaroon ng sariling beach or swimming pool,magkaanak ng twins,gumaling sa paggigitara,magkaroon ng sariling dance mania machine,at marami pang iba

\\co-bloggers (i.e. mga kagaya kong walang magawa at naadik na rin sa kakaexpress sa blog)//
- katz
- kuya chris
- vely
- dang
- deng
- judith
- leopau
- kamille
- adrian
- JR
- gerseii
- ryu
- diane
- jodi
- james

\\archives//

  • September 2004
  • October 2004
  • November 2004
  • December 2004
  • January 2005
  • February 2005
  • March 2005
  • \\care to share your thoughts?tag ka na!//

    referrers

    /

    / Lawyer
    Lawyer

    \\kinaadikang kanta sa ngayon//


    MusicPlaylist
    Music Playlist at MixPod.com

    Maybe I've been the problem
    Maybe I'm the one to blame
    But even when I turn it off and blame myself
    The outcome feels the same

    I've been thinking maybe I've been partly cloudy
    Maybe I'm the chance of rain
    And maybe I'm overcast
    And maybe all my luck's washed down the drain

    I've been thinking 'bout everyone,
    Everyone you look so lonely
    But when I look at the stars
    When I look at the stars
    When I look at the stars, I see someone else
    When I look at the stars
    The stars, I feel like myself

    Stars looking at a planet
    Watching entropy and pain
    And maybe start to wonder
    How the chaos in our lives could pass as sane

    I've been thinking 'bout the meaning of resistance
    Of a hope beyond my own
    And suddenly the infinite and penitent
    Begin to look like home

    I've been thinking about everyone
    Everyone you looks so empty
    But when I look at the stars
    When I look at the stars
    When I look at the stars, I see someone else
    When I look at the stars
    The stars, I feel like myself.
    Yeah!

    Everyone, Everyone feels so lonely
    Everyone, yeah everyone feels so empty
    When I look at the stars
    When I look at the stars
    When I look at the stars, I feel like myself
    When I look at the stars
    The stars, I see someone...


    stars by switchfoot

    Sunday, July 31, 2005

    sabaw

    nalaman ko yung ibang context ng word na yan nung tinext ako ni buddy iko.sabi niya kasi, "pasensya na sabaw".hindi ko talaga siya nagets nun kaya tinanong ko sina sam.sabi niya parang sabog daw yung utak dahil sa maraming ginagawa.basta parang ganun.so ganyan ako ngayon.windang dahil sa dami ng kelangang intindihin.haay.sabi ko na nga ba kaya ayaw ko muna pumasok sa gantong situations kasi kaguluhan lang siya sa buhay.hindi ko kelangan ang paglabas ng aking paranoid self sa mga panahong ito kasi kelangan ko muna intindihin yun acads ko.kanina nga nasabi ko sa magulang ko na feeling ko babagsak na talaga ko this sem tapos sabi ng tatay ko: "kung babagsak kayo tumigil na lang kayo sa pag-aaral, maging janitor na lang kayo or basurero" basta something like that.kahit na ba alam ko naman na hindi yun sobrang seryoso kasi sa totoo lang ok lang naman ang bumagsak sa bahay namin, ayaw ko pa rin na sirain yung pag-aaral ko.kahit minsan alam ko na parang carefree talaga ko e i still take life seriously hindi nga lang ata obvious.basta kaya ayaw ko muna ng kadramahan sa buhay or kung ano man.dati mahilig ako sa sentimental shit pero nairita na ata talaga ko kasi nga iyakin ako at lagi na lang nag-eend up na ako nga yung umiiyak.and that's something that i don't want to deal with right now.hindi ko alam kung sobrang nagbago na ba ko pero ewan since college talaga nag-iba na yung ugali ko in so many ways.pero sa tingin ko naman hindi grabe yung changes na yun.kasi alam ko ako pa rin talaga yung iyaking bata nung high school, yung sobrang babaw na tao na napakadaling paiyakin at patawanin.haay.andami ko pang kelangan gawin pero eto ako at nagbblog.anyway, back to my papers na wish ko lang tanggapin pa dahil sobrang late na niya.

    makes me jump up and down

    dahil sa happy ang huling kinanta namin sa videoke ayan ang title.hehe.337 na sa oras ng pc namin at hindi pa rin ako inaantok.nakakagising ba ang alcohol?medyo kakagaling ko lang kasi sa party ni sam.at ayun nakainom ako ng konti.pero parang mga 3 shots of vodka lang kasi nakamix sa sprite.pero sila sobrang lasing.si sam nga nakatulog na.at si isang sam nagwala.haha.pero fun sobra.tapos may kumanta ng dancing queen kaso sayang kasi walang masyadong space.magpapakitang gilas pa naman sana ko with the moves from line dance.ehehe.pero sumayaw naman ako konti.muka siguro ko tanga.haha.tumatalon talon pa ko.parang lasing rin e.ehehe.kahit hindi naman.pero ayun.ansaya talaga.ang ingay namin.tapos kung anu-ano lang kinakanta namin.sobrang enjoy.tapos nakapagbilliards rin ako.na siguro isang taon ko ng hindi nagagawa.at nanalo ako!hehe.2 beses nga lang.napakabano ko pa rin pero at least nakakapagpashoot pa rin ako.at maraming amazing chamba.hehe.basta sobrang saya talaga.tapos libre pa papunta at hatid pauwi.hehe.salamat rod! as if naman nagbabasa ka dito e no?hehe.pero malay mo dumaan ka ulit.hehe.ayun basta yan.hehe.online rin si bryan ang weird kasi madaling araw na e.kausapin ko muna.andami ko pang kelangang gawin pero eto ako hindi pa natutulog.haay.hirap talaga ng tamad.hehe

    Saturday, July 30, 2005

    no one ever said that there's an easy way

    wala lang.naalala ko lang ung fhm performance namin dati nung apps pa lang kami sa math club.kasi isa sa mga kinanta namin ang with a smile.gusto ko rin kasi yung kantang yun.pero wala lang naman talaga kinalaman to sa naisip kong ipost.gusto ko lang talaga na line from songs yung mga title ko.ayun.
    kagabi naisip ko na nga yung about pagpaparinig sa blog at yung pageexpress mo ng feelings maganda man yun or hindi.tapos ang galing kasi napagdiskusyunan namin yun sa ym conference.kasi si katz naiinis sa mga taong nagbibigay ng harsh comments sa mga post nya.na para daw kasing nakikialam na sa buhay niya e hindi naman dapat ganun kasi dapat nirerespeto daw the same way na nirerespeto niya yung mga nakasulat sa blog ng ibang tao.para sakn naman kagaya ng nasabi ko hindi mo talaga maiiwasan na may magreact sa mga sinusulat mo, maganda man o masama.kasi in the first place kung hindi mo kaya itake ang mga sasabihin nila di wag mo na lang ishare yung thoughts mo diba?hindi naman disrespectful yung pagbibigay ng opinions nila.entitled sila dun the same way na entitled ka na kung anu-anong isulat sa blog mo.pero sabi niya kasi siya naman daw hindi ganun kaya sana yung ibang tao ganun din.pero hindi ganun ang mundo.mahirap magexpect ng mga ganung bagay dahil siguradong madidisappoint ka lang.tama yung nakasulat sa blog ni deng.kung ayaw mong majudge ka ng ganun wag mo rin silang ijudge.pero minsan talaga hindi mo mapipigilang mainis sa mga taong ganun.pero ganun talaga e.

    Friday, July 29, 2005

    it really doesn't matter

    yeah right.asa pa ko.e ako ata yung pinakasensitive na tao sa mundo.sympre exaggerated yan pero walang biro sa pagkakaalam ko sensitive talaga ko.kaya nga maraming gabi na hindi ako nakakatulog kasi nag-iisip lang ako at tinitingnan kung anong nangyayari sa buhay ko at ng mga tao sa paligid ko.kanina napag-usapan namin ni katz ang sensitivity ng mga tao.minsan talaga parang nakakadisappoint na hindi ka magets ng mga tao.hindi ko alam kung problema mo na ba yun o sadyang walang kwenta sila.hehe.pero para sakn ganun naman ata talaga ang buhay.hindi sa lahat ng oras pwede ka nilang maintindihan.kaya ako?ako na lang ang umiintindi.pero minsan gusto ko rin naman na hindi na lang ako yung laging gumagawa ng paraan.para bang napakaworthless ko naman kasi na hindi man lang sila nageexert ng effort na alalahanin ako at isipin kung ano kaya yung mga naiisip at nararamdaman ko.hindi ko naman talaga hinihingi yan.pero minsan talaga gusto ko for once ako naman yung pagbigyan.naranasan ko na kasi na pag ako yung bumitaw wala na agad babagsak na sa kawalan.parang lagi na lang ako yung gumagawa ng paraan to keep us hanging.tska sana lang naman kahit papaano e kilalanin ako talaga para naman maintindihan rin ako.konting sensitivity yun lang naman ang hinihingi ko.
    naisip ko, dati medyo naging big deal yung mga nakasulat dati sa blog ni katz.kasi nga nagpapatama siya sa mga tao and stuff like that tapos di syempre maraming nacurious kaya parang naging issue yung thing na yun (hindi ko na lang imemention) kaya parang sabi dati ni katz paki ba nila kung anong sinusulat ko sa blog ko parang ganun.tapos ang side ko dun, public kasi ang blog so hindi mo maiiwasang may magreact at para sakn dapat talagang sabihin sa taong involved kung ano man yung mga gusto mong iparating kung importante man yun.pero meron rin namang mga bagay na better left that way, na okay lang na nakasulat lang siya sa blog mo.matamaan na lang kung sino mang matamaan.(eto ha, para sayo talaga to.ayan ah sinasabi ko na.) pero halos lahat ng nakasulat sa blog ko na to e viewed in so many ways than one.kaya pwedeng hindi lang sa iisang bagay nagpepertain yun.madalas past and present experiences kasi nga hindi ata talaga ko matuto-tuto kaya parang paikot-ikot lang ang mga nangyayari sakn.pero ayoko naman igeneralize na ganyan.i'd like to think na may natututunan naman ako sa mga nangyari sakn.ayan.tska kung may gusto sabihin, paki sabi na at kung may itanong, itanong na please.kasi hirap mag-isip.nakakapagod rin talaga.

    Thursday, July 28, 2005

    can you take it all away

    feeling ko napakawalang kwenta ko na lately.nakakairita kasi hindi naman ako ganto dati.hindi ko alam kung anong gusto ko mangyari.hindi ko alam kung anong gagawin ko.puro na lang hindi ko alam.pati tuloy acads ko hindi ko alam kung paano ko aayusin.kanina wala talaga kong nasagot sa 123.1 pero kasalanan ko naman siguro yun kasi nga hindi ako masyado nag-aral.pero sana pumasa ko dun kahit na ba parang napaka-imposible.pero buti na lang pumasa ko sa 150.1.kahit na ba hindi pa rin mataas yung grade ko.ayun.pero may exam pa ko sa sabado e ni hindi ko nga masyadong pinapasukan yung class na yun tapos mahirap pa daw magpaexam so asa pa ko.haay.tapos yang lecheng eng11 na yan.hindi na talaga ako natutuwa ah.dahil ba yun nasanay na ko na may clasmate na kaibigan kaya lagi na lang ako tinatamad sa class na yun?tapos andami-dami niya pang hinihinging paper.nakakabadtrip.tapos para pang ako lang yung delingkwente sa klaseng yun.haay.asa talaga ko.pagod na ko pero parang andami ko pang kelangang gawin.haay.

    tired.weary.jaded.cansado.stanco.afgezaagd.trött.überdrüssig.утомленный.εξαντλημένος

    Monday, July 25, 2005

    swing swing

    minsan naiisip ko kung masama ba kong tao.kasi feeling ko meron akong ugali na pag nakuha ko na madalas nawawalan na ko ng gana.parang nawawalan na siya ng worth sakn.parang yey ang galing ko tapos wala na ililipat ko na yung attention ko sa ibang bagay na gusto kong makuha.ang selfish no?parang lahat na lang gusto ko sakn tapos pag nakuha ko na parang hindi ko man lang siya pinapahalagahan.siguro nga tama nung may nagsabi sakn na "minsan talaga pakiramdam ko wala kang paki". pero sa totoo lang may paki naman talaga ko.alam ko naman na mahalaga sila sakn.hindi ko alam kung problema ko lang ba na hindi ko alam kung paano ko ipapakita.na dahil wala akong ginagawa e ibig sabihin wala na silang halaga para sakn.tapos later on mawawala na sila na parang ako pa yung gumagawa ng paraan para mataboy sila.ewan ko ba kung bat ko lagi naiisip yun.pero ilang beses nang nangyari sakn yan.

    how many wishes on a star?

    Sunday, July 24, 2005

    grrr

    gusto ko lang sabihin na badtrip ang kapatid k knina.bwiset.pakshet.haay.buti na lang mabilis mawala ang galit ko.pero gusto ko pa rin maglabas ng sama ng loob.nakakairita kasi.gabi-gabi na lang.takte lagi ko na lang naririnig yung bobo, tatanga-tanga at kung anu-ano pang bagay.ang kapal ng mukang magsabi sakn ng ganun.kala mo kung sinong henyo at perpektong tao.napakaselfish at di nag-iisip.haay.

    early morning she wakes up

    sympre kumuha daw ba ng line sa lucky.haha.yun ba yung title nun?hehe.anyway, kakagising ko lang kasi kaya siguro hindi pa gumagana masyado ung utak ko.pero gusto ko kasi magblog kasi wala lang.hehe.badtrip kagabi.andami kasing tao sa ym tapos yung kapatid ko pinalayas na lang ako agad.balak ko ngang bumalik ng 12am pag layas ulit ng kapatid ko kaso nakatulog nako sa panonood ng tv.nakakainis nga kasi sa sofa lang ako nakatulog e hindi na nga ko kasya dun at ayaw na ayaw kong matulog dun.pero mabuti naman at naging maayos ang aking pagtulog kasi hindi rin ako nagising.tapos yun.mamaya na lang ulit..hehe

    a taste of heaven only happens once in a blue moon.

    Saturday, July 23, 2005

    learning the art of letting go

    pag sinabi mong "letting go" ang laging pumapasok sa utak ng tao letting go of someone you love.laging kelangan attached sa romance.pero minsan pwede rin namang hindi ganun.pwede namang letting go of something or someone special pero hindi romantically attached sayo.ako madalas nahihirapan akong maglet go sa mga bagay bagay lalo na kung special na talaga sila sakn.minsan kasi mahirap talagang tanggapin na mawawala na lang sila ng ganun-ganun lang para bang masyado kang idedeprive of something that makes you happy.pero ganun talaga ang buhay.minsan kelangan mo na lang tanggapin.tska hindi lang rin naman dun nagrerevolve ang buhay mo.marami pang pwedeng mangyari.hindi yun ganun-ganun lang.
    lagi namemention sakn ni katz yung love in the time of cholera kasi nga nag-order siya sa national bookstore nun.e gusto ko rin nun kasi sobrang favorite ko yung movie na serendipity.gusto ko siyang mabasa.wish ko lang magkapera ako at makabili rin ako nun.mahirap pa naman hanapin.

    till they take my heart away.

    Friday, July 22, 2005

    oblivion is falling down

    nakakabadtrip kasi naman naiwan ko yung susi ko sa bahay tapos pati cel ko so asa pa ko diba.kaya etoa ko sa third net cafe na tnry kong puntahan dahil sa paghahanap ng may chikka pero it turns out wala rin pala dito nakakabadtrip pa yung tao dito idownload ko na lang daw.amp.kelangan ko kasi matext ang roomates ko para naman makapasok ako ng bahay diba.bwisit.napakamalas.kung kelan pa naman gustong gusto ko nang makauwi.nakakabadtrip talaga.bwisit.grrrrrrr.ngayon lang ako nainis ulit ng ganto.

    Thursday, July 21, 2005

    questions of science...do not speak as loud as my heart

    hindi ako makatulog.amp.epekto ba yun ng buong araw na pagtulog at pagtulog still ng maaga?930 pa lang kasi ata tulog na ko.e sanay ako na 12 natutulog.tapos ayan gising ako ngayon.nagising kasi ako dahil malamig.tapos ngayon hindi na ko makabalik sa pagtulog.hindi naman ako nageexpect na may makakausap ako ng gantong oras pero since 24/7 naka-online tong pc na to e naisip ko lang na magblog at makinig sa nakakantok na kanta.pero online c bryan kaso dahil yun gumagawa siya ng report.ayaw ko namang istorbohin.kawawa na nga e. haay.hindi pa rin bumabalik yung antok ko.kasi naman no.mag-isip nang mag-isip nanaman daw ba?kakasabi ko lang kanina na buti hindi na ko masyado nag-iisip lately tapos ngayon nag-iisip nanaman ako.para sa mga taong pilosopo alam ko namang medyo imposible na hindi mag-isip.pero mag-isip in a different sense.haha.mahirap talaga pag nasasanay ka na kasama ang mga taong mahilig mambara dahil sa kapilosopohan.ayun naisip ko tuloy ang kadramahan ni katz lately.miss na kasi niya ang dating "paksyon".not that hindi ko namimiss yun, namimiss ko rin yun terribly pero mas closer na ata ang grasp ko sa reality ngayon.alam ko nang hindi na naman pwedeng bumalik sa dati kaya hindi na ko nageexpect na mangyayari pa yun.marami na rin naman kasi yung nagbago.wala na sina vely at chris.tska parang nadisolve into pairs yung mga dating magkakasama.dati-rati sila-sila lang yung lagi kong kasama sa club pero ngayon madalas ko na rin nakakasama sina angge.dati-rati kami yung laging nagmmcdo sa philcoa man o sa highway, yung laging nagssm north.nangyayari pa rin naman yang mga yan ngayon pero hindi na sila yung kasama ko.ibang set of people na.pero sobrang naeenjoy ko rin naman yung company nila.pero wish ni katz yun na sana kahit man lang isang araw e bumalik nga yung times na yun.sana nga mangyari yun.ewan ko ba dun.ang hilig magreminisce lately at siyempre hinawahan pa ko ngayon.hehe.may pagkabitter pa.hehe.pero ako hindi.hehe.ayun.pero naniniwala naman ako na kaya nagbabago ang mga bagay e dahil lahat ng yan eventually maglelead into something better.kahit na ba hindi mo pa sya nakikita agad, in the long run marerealize mo na may iba palang plano para sayo ang diyos.sa tinagal-tagal ng pagbblog ko e ngayon ko lang ata namention ang diyos.hindi ko alam kung bakit.naniniwala naman ako sa catholic god pero hindi ako nagdadasal lagi.although nagsisimba naman kami every week pero madalas hindi ko talaga malabanan yung pagdrift off ng utak ko.tintry ko talagang makinig pero wala e.minsan naman kasi yung mga sinasabi nila e mga bagay na alam mo na rin naman.hindi naman sa nagmamagaling ako pero minsan senseless naman talaga at hindi ko talaga makuha-kuha yung connection.parang for the sake lang na magkasermon.pero on rare occasions lang yan.madalas e malakas lang talaga ang hatak ng pag-iisip tungkol sa ibang bagay.grabe naman ito hindi na bumabalik ang antok ko.siguro balik na dapat ako sa kama.baka sakaling makatulog na ko ulit.hindi ko naman wish na maging nobela pa to kagaya nung rants ko about harry potter.hehe.sana hindi na ko gambalain ng utak ko.hehe

    running in circles...

    Wednesday, July 20, 2005

    everyday my confusion holds

    sobrang unproductive nanaman ng araw ko.sabi ko pa naman sasagutan ko na yung prob set ko para naman makapagconsult na ko bukas or sa friday.pero as usual dahil asa bahay ako tulog lang ako buong araw.pagkagising ko ng mga 1230, naglunch ako ng 1 tapos tulog nanaman ako ng 130.haha.tapos 530 na ulit ako nagising.nagmerienda tapos naligo.grabe no?napakawalang kwenta.pero masarap naman matulog lalo pa't naulan.hindi ako nakapuntang up.sayang.pero nakakatamad kasi anlayo.hmm.sana mafish ko na yung bagong gusto ni katz.ayaw sabihin e.ansaya pala ng may referrers.kasi ngayon ko lang nalagyan yung akin..pero ba't naman ganun ang weird nung ibang sites.talaga bang nadaan yung mga yun sa blog ko?ang weird.hehe.ayun lang naman.masaya pa rin ang buhay.at hindi na naman ako masyado nag-iisip lately kahit na ba ganun yung title nitong post na to.wala lang gusto ko kasi ng bizarre love triangle.hehe.

    say thay you'll stay forever this way.

    i can never be without you

    kaisa-isang kanta ng slapshock na gusto ko, without you.narinig ko lang sa mga kapatid ko.hindi ko maalala kung galing sa ragnarok or sa kung anong game.ayun sa wakas napagana ko rin yung bagong skin.haay.pero anong oras na? magaalas dos na ng madaling oras.npakabano ko talaga sa html coding.at yan ay nag-eedit lang ako ah.paano pa kaya kung ako na gagawa nun ng ako lang mag-isa.haha.asa pa ko.haay.pero at least gumana na siya.kahit sobrang nakakabadtrip kanina kasi atanga ko kung anu-ano ung nasasave ko kaya ayun tuloy paulit-ulit ako.ilang beses ko rin inedit to ng paulit-ulit at nakakainis yun.tapos ngayon pang nakalagay na siya e parang mas gusto ko pa rin talaga yung dati.haay.pero dapat patagalin ko muna yan.sayang naman yung pinaghirapan ko.oi katz sino na yun?..haha.andaya.sa wakas makakatulog na rin.


    i only want you happy.

    Tuesday, July 19, 2005

    on harry potter 6 and other stuff

    awww nde na line galing sa kanta yung title ko.pero seeing as hindi kumanta yung sorting hat sa book 6 e wala na ko maisip na appropriate title.anyway, kung hindi mo pa nababasa ang book 6 at wala kang naising maspoil e wag mo nang basahin to.baka mawalan ka ng gana.ayun.all in all hindi ko siya nagustuhan.ang bagal ko nga magbasa than usual.it took me 2 days.e dati-rati the day na binili ko tapos na agad.jk rowling naman kasi e kung anu-ano ginawa.dahil ba yun nagkaanak na siya?or wala na siyang maisip kaya walang masyadong nangyari sa previous 2 books?feeling ko talaga kasi hindi na masyadong nagpoprogress di gaya nung first 4 books.ibang-iba talaga.basta nakakainis.hindi naman sa nagmamagaling ako na book critic pero basta eto yung feeling ko.unang-una ang pace ah may babagal pa ba dun?amp parang talo pa pagong e.un pa naman yung pinakaayaw ko sa libro.nakakawalang gana kasi talaga.secondly, patayin daw ba ni snape si dumbledore for the sake na magkaroon ng kwenta?parang napakadesperate na gawan ng matinding twist.e hello?!walang kwenta naman kasi no.hindi pa nga ko over sa walang kwentang pagpatay kay sirius tapos ganun-ganun lang mamatay si dumbledore.parang hindi nabibigyan ng justice yung parts nila.feeling ko kasi parang dapat mas heroic ang dating given na major characters sila.parang ano yun ganun na lang yun sadyang traydor lang si snape.e hindi naman ganun ung pagkakabuild up ng character niya.nakakaasar talaga.third, anong nangyari kay voldemort?grabe ah wala man lang siyang role dun.puro mention lang ng name niya, kagaguhang ginagawa niya sa mundo at kabalbalang history niya.as if naman it provided a deep psychological understanding kung bat siya nagkaganun na tipong makikisympathize ka na sa kanya.e sus bata pa lang gago na, so ano ngayon? pang-apat, isang pang desperation move, diyos ko gumawa daw ba ng kung sinu-sinong pair-ups.nakakainis.sana diba hindi na inend ang harry-ginny relationship with a seemingly spiderman-like reasoning.ang arte ni harry ah.pero in fairness gusto ko yung tonks-lupin thing siguro kasi gusto ko lang talaga si lupin.hehe.tapos sa ending magplano daw bang magpakafugitive?sus bumalik na lang siya sa hogwarts.ang bata niya pa no.feel na feel niya naman na dapat niya nang tapusin ang laban nila ni voldemort.haay.naku napakasama ng naidulot ng book 6 sakn.dahil ayaw ko na kay harry.parang mas nagugustuhan ko na si voldemort.astig.haha.basta naku pag hindi naredeem ni jk rowling ang kanyang sarili sa book 7 wala na.parang nasayang ang harry potter series.ewan ko ba.pero feeling ko yung iba naman medyo nagandahan.si katz nga naiyak pa daw.ako naasar lang.walang kwenta.pero hindi ko naman sasabihing waste of money kasi harry potter pa rin yun.
    ayun.on other stuff, grabe ah ang tindi na ng pang-aasar samin sa math club.kakaiba talaga.parang never naman naging ganun mga tao sakn, given na dati naman e inaasar rin nila ko sa ibang lalake.kahapon nga sobrang namula ako as in sobra talaga.ramdam na ramdam ko yung init e.kakaiba.nun lang talaga nangyari yun sakn.pero ok lang naman.hindi naman ako naaasar o kung ano man.ayos lang sakn.tska as usual masaya talaga sa tambayan.
    yung prob set namin sa 123.1 binalik na.astig naperfect ko.haha.thanks kay louie.medyo nagworry pa nga ko dun kasi baka bigyan ako ng 5.0 kasi nga nagpaturo ako kay louie e dati naglecture siya about asking help from classmates.tapos sabi niya mahiya naman daw tapos talagang nagbibigay siya ng singko.nagdrop pa nga ng name sa class e.kala ko nga tatawagin ako kasi as in pinaturo ko lang talaga kay louie yung prob set ko.buti na lang hindi ako kasali.kaya sa susunod kay sir na lang talaga ako magcoconsult.ayun.pero happy.dahil at least may isa na kong mataas na grade.haha.tapos sa sat 1st exam namin sa 150.1.wish ko lang masagutan ko.probability pa naman.e hindi ako magaling dun.tinatanong ko nga lang si leonard nung binigyan kami ng sample exam.tapos may tutorials rin.nakakapagod yun sigurado pero at fun naman siguro.ayun.iniisip ko pa kung punta ako skul bukas.sana hindi ako tamarin.haha.pero mukang tatamarin talaga ko.

    if you're lost you can look and you will find me...if you fall i will catch you...

    Friday, July 15, 2005

    she's always worried about things like that

    line yan sa isa sa mga paborito kong kanta ng matchbox twenty na 3am.maganda talaga yun para sakn.hindi ko alam kung bakit.hehe.ayun.wala namang bago ganun pa rin ang buhay magulo pa rin.hehe.kanina napurga ako sa salitang heaven.nung eng11 naisip ko ang salitang heaven hindi ko alam kung bakit.pero kasi pinaisip kami ng magandang line na mailalagay sa isang poem at siguro gusto ko na may heaven dun.tapos ang status ng isang tao sa ym ko ay may salitang heaven rin.at bago ko i-open ang winamp ang kinakanta ng utak ko ay i wanna be inside your heaven tapos nang i-play ko ang winamp, guess what kung anong nagplay?hindi i wanna be inside your heaven pero simply heaven.amp.pati tuloy yung post ko dun sa grups namin ay may word na heaven rin.haay.wala namang masyadong kwento.kanina apps orientation tapos buddy bidding.may buddy ako.si francis aka icko.di ko lam kung tama yung spelling.pero ayun later on narealize ko na classmate ko pala yun.haha.para kong tanga.kaya pala napakafamiliar ng mukha.ayun sana mabait siya.gusto ko siya maging kaclose e.hehe.tapos ayun, nagmcdo kami pero hindi kasing dami nung dati..4 nga lang kami e.pero nun ko na lang ulit nakasama sina dang at norman.grabe parang dati-rati lang e lagi kaming may movie escapades.haay.napag-usapan pa nga sa jeep lahat ng sobrang memorable movie trippings.nakakamiss yun sobra.pero masaya pa rin naman sa club.kaya nga mahal ko talaga ang math club.

    wag mo na sana akong pahirapan pa.pero konti lang naman.maarte lang talaga ata ako.amp.

    Thursday, July 14, 2005

    amp.got to believe in magic

    haha.kasi yung music dito got to believe in magic.haay.actually hindi ko gusto yang kantang yan.para sakn nde sya magandang love song.magic amp.haha.bitter ba?wala na ko sa stage na yun.masaya na nga ko e.pero still sinabi ko pa rin.which makes me think baka naman niloloko ko nanaman yung sarili ko at pinipilit na masaya nga ako.haay.anlabo ko talaga.kanina ang weird ng araw ko.parang andaming emotions yung naramdaman ko.kasayahan, kaguluhan, kaweirduhan, kalungkutan, regret, selos.amp selos.haha.anlabo kasi e.haay.kakaiba talaga.ayun.pero back to being happy.masaya talaga ko.ang alam ko ganun.kaya dapat hindi ako naapektuhan nun.leo pau kasi e.haay.haha.kanina nasabi ko sa kanya na hindi ako naniniwala sa second chances.simula pa lang ng nagkamuwang na ko alam ko ganyan na talaga ko.kung gusto mo ang isang bagay hindi na dapat dadating yung time na kakailanganin mo pa ng second chance.once is enough.kung hindi mo naayos yun wala na.kasalanan mo na.para sakn kasi ibig sabihin nun hindi mo naman talaga gusto yung isang bagay kasi nagawa mo pang magkamali ng matindi.pwede kang magkamali pero hindi to the point na sobra-sobra na at kakailanganin pa ng matinding pagpapatawad at pag-unawa.malaki kasi talaga ang binibigay kong credit sa mga tao.pakiramdam ko maiisip naman nila dapat yun.kaya hindi ako nageexpect ng disappointments from people na kilala ko.at isa pa ayoko kasi ata talagang nagkakamali.lumaki akong sa tingin ko iilan-ilan lang ang pagkakamali ko sa buhay.yun na ang nakasanayan ko.yun ang gusto ko.which brings me to...kanina naisip ko sa jeep napakaselfish ko talagang tao.lahat na lang gusto ko sakn.haay.minsan talaga kelangan mong maramdaman yung takot na mawawala ang isang bagay bago mo marealize na kailangan mo pala talaga yun.na importante pala sila.na bahagi sila sa pagkakaroon mo ng masayang buhay.na mahirap na wala sila.at ako ayoko nang mawalan pa.oo selfish talaga ko.

    i am vindicated.i am selfish.i am wrong.i am right.

    Monday, July 11, 2005

    bawal saktan at bigyan ng pagkain ang mga hayop..

    or something like that.hehe.nakalagay yan sa sign sa manila zoo pumunta kasi kami nung saturday tapos yun tinry ko kasi batuhin yung isang ibon dun ng dahon pero hindi naman tumama.ni hindi nga nakapasok ng kulungan e.hehe.tapos yun sabi nila patama daw sakn yung sign na yun.kasam ako si gelaide, hans, aris at fyke (hindi ko alam kung tama spelling) pamangkin siya ni gelaide.ang cute nun.galing pag magbike..kasi after namin magmanila zoo at kumain sa harrison plaza e nagbike kami sa may ccp.ayun masaya.buti sumama ko kasi puro tulog lang rin naman ginagawa ko sa bahay.dapat nga nonood kami ng uaap nina leo pau ngunit sa kasamaang palad e naubusan kami ng tickets.biro mo pumunta pa kaming ateneo at araneta para lang makabili ng tickets tapos wala rin kaming napala.sobrang napagod ako dun ah..tapos later on malalaman ko na pwede naman pala kong makapasok ng libre dahil kay rod..kasi nag-ojt siya dun sa company na nag-organize ata nung opening.basta ganun..pero hindi rin naman kami natuloy..hindi ko na kasi nakausap si leo pau.tapos sabi nina gelaide dapat sasama daw siya sa manila zoo kaso hindi naman dumating.ayun.yan lang naman ata ang interesting na nangyari so far.


    you gave me words i just can't say.

    Wednesday, July 06, 2005

    triangle

    nakalimutan ko i-mention at importante to para sakn..hehe..nakascrabble na ko! hehe..adik kasi ko sa scrabble at sa tinatagal-tagal ng paglalaro ko ng scrabble e kahapon lang ako nakabuo ng scrabbled word (hehe.tama ba yung term?)..at triangle yun..actually si aris nakaisip kasi yung naisip ko e integral at a bunch of other words..pero ayun ansaya..hehe.never ko pa talaga nagawa yun kahit sa paglalaro sa pc(napakapathetic ba?pati pc pinagtiyagaang kalaban..hehe) kaya masaya.tapos sabi ko pa word of the day ba ang triangle..related rin yan sa human bingo..kasi si sir harris kung anu-ano pinagtatawag sakn..triangle queen daw at connect queen..paano part daw ako ng maraming triangles na pwedeng mabuo sa math club tapos kahit sinong mem daw e pwede mo ring iconnect sakn..ang kulit nga e..yung whole stay nya dun sa booth e kinukulit niya ko..tapos yun si katz rin gumagawa minsan ng web ng people sa math club tapos ako yung una lagi tapos kinoconnect talaga lahat ng mem..kulit nga e..ayun..about this day naman..naku sobrang natulog lang ako buong araw..sabi ko pa naman gagawin ko na lahat ng papers ko for eng11 pero sympre hindi ko nagawa..kahit yung para sa friday nga hindi ko rin nagawa..hindi talaga ko makapagtrabaho everytime asa bahay ako..parang may kakaibang powers ang aming bahay..tapos since start talaga ng sem na to tuwing uuwi ako dito e 4/5 of the day tulog lang ako..e hindi pa naman ako yung batang nasanay na tulog lang ng tulog.mas gusto ko hyperactive ako..hehe.basta ang weird parang yung buong bahay ay isang malaking kama na maraming maraming malambot na unan.hehe.kahit saan ako pumunta nakakatulog lang ako..kahit pa nanonood ako ng tv which is my favorite thing to do dito..ayun..so yan lang naman..next time na lang ulit..

    i find peace when i'm confused.

    Tuesday, July 05, 2005

    this little piggy went to...

    malay..hehe.ever since naman bata ako hindi ko ata namemorize yang kanta na yan..wala lang kasi akong maisip na title..ayun kasi kanina sa math booth nag-iisip ng mga mailalagay sa human bingo para sa sigsheet tapos sabi ni leonard baboy daw ilagay sakn.yun kasi yung tawag sakn ng mga kapatid ko.pero that is considering 95 pounds lang ata ako.haha.so yun.basta masaya tong araw na to.kahit na ba umulan buong araw.actually gusto ko naman talaga pag naulan.except for the fact na bukas-sara ang payong at pangit sa buhok yung weather(haha, vain ba?)..ayun..basta masaya..di gaya kahapon..malabo.ayun yung last post ko tinopak nanaman ako nun.kasi wala lang badtrip ako nun e tapos kung anu-ano pa yung mga pumapasok sa utak ko.pero ngayon okay na ang lahat.matapos magbasa ng journals hanggang 1am e ayun nakapagisip na rin ng matino.grabe nga yun kagabi nagbukas pa ko ng pc ng 12am para lang maiprint yung ilang mga pinagsusulat ko dun dati.kasi meron rin akong mga nakasave na thoughts dun.e since hindi ako makatulog e pnrint ko na lang para mabasa ko..wish ko lang magka-office na ko diba.kasi hirap na hirap na ko sa kakawordpad.asa pa ko.wala ngang double space e! tapos every other day e gumagawa ako ng paper para sa eng11.so yun nagitiyaga akong mag-enter ng maraming beses.buti na lamang at single page papers lang yung mga yun.ayun.so yan lang naman.masaya na ulit ako.haha.nde na amp ang buhay.hehe.napakabilis talaga ng pagswing ng mood.haay.

    i'd give up forever to touch you 'cause i know that you feel me somehow.

    Monday, July 04, 2005

    i'm a little bit of a fool

    amp talaga.haay.sobrang feeling ko e pinapagulo ko nanaman ang buhay ko.bakit naman kasi may instances na ganto ko.amp.masyado ko nang pinapalaki ang mga bagay na sa tingin ko naman e hindi talaga dapat.nakakinis kasi i'm being like this for reasons na sa tingin ko e hindi ko majujustify.amp na buhay naman oh.haay.ambilis talaga magbago ng ihip ng hangin..haay.

    anlabo naman ng buhay.amp

    Sunday, July 03, 2005

    FRESHteeeeeg

    hindi ko alam kung ilang letter e meron dun kaya hinulaan ko na lang..hehe.ayun.nung friday night freshteeeeg sa bahay ng alumni.buti pumunta ko kasi sobrang saya niya.dapat kasi uuwi na lang ako samn..pero pumunta sina katz kaya ayun sumama na rin ako.sobrang tiring.magdamag ka ba naman kasing tumayo diba?iilang minuto lang ata akong nakaupo sa floor pa.tapos talon rin ako ng talon pati sigaw ng sigaw buti na lang meron pa kong boses ngayon.pero sobrang worth it talaga ang pagpunta dun kasi maganda lahat ng banda.sobrang maeenjoy mo talaga.plus yung people na kasama ko.sympre san ka pa.hehe.dapat isasakay ako ni adrian sa shoulders niya para makita ko ung stage kaso umayaw ako nung huli.sabi ko sa up fair na lang.pero hindi ko rin alam kung magagawa ko yun.hehe.pero pangarap kong magawa yun.basta bago ko umalis ng up dapat nakapagwala na ko ng sobra.ahaha.not that hindi ako tinotopak kasi meron rin naman akong moments na ganun.at marami-rami na rin sila since high school.hehe.ayun.medyo nawawala yung kaba na nararamdaman ko since kahapon.siguro dahil nag-iisip ako ng maisusulat dito.pero nakakabother sobra.kagabi pa nga ko bothered e.at sa desperation na malinawan ang sarili e nagtytype na ko ng kung anu-ano sa cel ko.wala kasi yung journal ko.tapos yun.pero hindi ko rin naman nasave kasi nagloko yung phone ko.meron kasi akong habit na magbasa ng magbasa ng thoughts ko kasi feeling ko mas naiintindihan ko siya kung ganun.anyway, lilipas rin naman siguro to.haay.amp yung katabi ko dito.nagpplay ng wwe stuff e nakakairita yung mga sigaw.haay.tapos this weekend nakina katz lang ako.2 nights akong natulog sa kanila.movie marathon sympre.pero naka-four movies lang ata kami.kasi kelangan ko na umalis kanina kasi dadaan yung parents ko.tapos yun.pero maganda naman ang movies na napanood namin.except yung spongebob na feeling ko napakahaba at hindi naman nakakatawa mas maganda pa yung episodes sa tv.yung windstruck ang weird.ayun.pero ang cute nung mga nireregalo niyang books dun sa girl.gusto ko rin nun.hehe.may cartoon na dinagdag sa loob.basta.hehe.ganyan talaga pag hopeless romantic.hehe.cge next time na lang ulit.itutuloy ko na lang ang panonood ng movies.

    i'm freezing in the sun.i'm burning in the rain.the silence i'm screaming calling out your name.