my medyo suprise birthday celebration
#1: habang tumitingin ng mga isda sa bioresearch sa may dampa, nagtext si norman: "oi lil happy birthday ha. sensya na hindi ako makakapunta sa surprise pa-birthday sa'yo. enjoy lang. ü" biglang tingin kay jr. ano to? anong surprise pa-birthday? so yun huli na sila. hehe. kaya naman pala ayaw pa pumunta ni jr dun sa kakainan dapat namin kahit sobrang sakit na ng paa ko sa kakalakad. inaantay nya palang dumating muna sila.
#2: so yun buti naman sa wakas makakatigil na kami sa pag-ikot at makakaupo na sa resto. at habang naglalakad papunta dun, si katz naman ang nagtext: "jr! mga 745 k n pumunta. amp. sorry tlga. mtraffic pa." huli nanaman. sakn pa talaga nawrong send. hehe. buti na lang naunahan si katz ni norman.
#3: ayan asa resto na, naunang dumating sina zy at eugene, tpos sina vely, len at katz. sina steve at poch na lang ang lam kong hinihintay. biglang sabi ni katz na may surprise pa syang isa. sympre curious naman ako. pero ayun ayaw sabihin. at dumating na ang sandamakmak na pagkain. hehe. lahat kami ata nagugulat sa dami talaga. hehe. pero kasi pang-15 people ata talaga yun. kaso hindi nakarating yung iba so yun. tapos lahat kami ay nagsasabi na: "grabe ang daming pagkain. mauubos kaya natin yan?" biglang hirit si leonard: "wag kayo mag-alala dadating naman si aloy." sympre ako naman, "ah talaga dadating si buddy?!" hehe. so yun huli nanaman surprise ni katz.
so yun after lahat ng nangyari tska ko lang narealize na kaya pala ganun kumilos ung mga yun. hehe. di ko man lang naisip. tinext pa nanay ko para ipagpaalam ako. hehe. sobrang saya talaga. thanks kay katz at jr sa pagprepare. sympre lalo na kay jr. sobrang saya ng 21st birthday ko. =)
ps: salamat sa lahat ng bumati.ü haha late nanaman ako sa usapan namin ni katz. will upload pics later sa multiply sana pasingitin ako ng kapatid ko sa pc.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home